PNoy suportado ang pagpapatalsik sa Ombudsman

MARIING sinusuportahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, sa pamamagitan ng pagbibigay ng “go signal” mula sa kanyang mga kaalyado sa Liberal Party (LP) ng Kamara de Representantes.

Ginawa ito ng Pangulo kahit pa nakatakda ngayong araw ang botohan sa House Committee on Justice, hinggil sa impeachment complaint laban kay Gutierrez.

Hinikayat ni PNoy ang mga kaalyado na itulak ang impeachment complaint laban kay Ombudsman Gutierrez dahil sagabal lamang ito sa reporma ng gobyerno.

Kakailanganin ng 1/3 votes o (95) mula sa 283 representatives upang maisumite sa Senado ang impeachment complaint laban kay Gutierrez.

Lumalabas na 81 sa mga nasa Kamara ay kaalyado ni Aquino, ngunit ani hindi mission impossible ang 95 votes, dahil sa may iba ring partido na sang-ayon dito, at 34 lamang ang mula sa opposition sa mababang kapulungan ng Kongreso. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply