PNoy: Suspendihin ang mga sangkot sa smuggling

INIUTOS ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na suspindihin ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na isinasangkot sa smuggling at iba pang iligal na gawain.

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos ang report ni Customs Commissioner Angelito Alvarez hinggil sa pagkakasangkot ng 12 operations officer, examiner at document processor sa smuggling, iba pang iligal na gawain at pakikipagsabwtan sa mga tiwaling importer.

Ayon sa Pangulo, kailangang isailalim sa preventive suspension ang mga opisyal upang hindi maimpluwensiyahan ng mga ito ang imbestigasyon.

Anang Pangulo, ito ay upang maipakita din ng pamahalaan sa publiko na seryoso itong labanan ang smuggling bansa. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply