PNoy tiwala pa rin kay Torres

NANANATILI ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III kay Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres kahit nakatakda na itong sampahan ng kasong administratibo at may rekomendasyon na suspendihin ito sa puwesto habang ini-imbestigahan matapos madawit sa carnapping at maanomalyang registration ng sasakyan.

Binigyang diin ng Pangulong Aquino na hindi nawawala ang kanyang “full trust and confidence” kay Torres kahit nasa “hot seat” ito ngayon.

“But at the same time, there are so many things that have come to light with regards to the LTO and i would like her to act on them faster rather than later,” ani Aquino.

Naniniwala naman si Justice Undersecretary Francisco Baraan na dapat suspendihin sa puwesto si Torres habang iniimbestigahan makaraang mapaulat na hindi ito gumawa ng hakbang sa nangyaring sigalot sa dalawang grupo hinggil sa take over ng operasyon ng Stradcom.

Nakasaad sa 30 pahinang dokumento ang kanilang nakitang pagkiling ni Torres sa grupo ni Bonifacio Sombilla, kung saan nakita sa CCTV footage na kasama ni Torres si Sombilla noong kasagsagan ng take over.

Lumitaw din sa imbestigasyon na inatasan ni Torres ang mga security guard ng LTO na huwag makialam.

Aniya,  sa direktibang iyon ni Torres ay lumilitaw na tila alam na ni Torres na may mangyayaring gulo o away.

Dahil dito, inirekomenda ni Baraan kay Transportation and Communication Sec. Ping de Jesus na masibak at sampahan ng kasong grave misconduct, grave incompetence at negligence si Torres.

Pansamantalang pinasususpinde ni Baraan ang LTO head habang isinasailalim ito sa imbestigasyon.

Maliban kay Torres ay pinakakasuhan rin ng DoJ ang head executive assistant ni Torres na si Medel Mortel. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply