PNP inalerto sa bantang anniversary attack ng NPA

NAGBABALA Lunes, Marso 21, si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Raul M Bacalzo sa lahat ng kapulisan sa buong bansa na maging alerto sa posibleng opensiba ng New People’s Army bago sumapit ang  founding anniversary ng mga ito sa Marso 29.

Ginawa ni Bacalzo ang pag alerto sa kanyang mga tauhan sa gitna ng kanyang pagpuri sa pamunuan ng  Panabo City Police Station sa Davao del Norte dahil sa ipinakitang katapangan sa pagdedepensa ng kanilang himpilan matapos salakayin ng grupo nina Leoncio Pitao alias Commander Parago at Lucio Bustamante alias Commander Bungot ng 1st Pulang Bagani Command.

“We grieve the loss of PO3 Narciso Pakiwag who offered the supreme sacrifice in line of duty along with his fellow wounded police officers led by Police Senior Inspector Jay Demaala, who bravely stood fast and defended the town against the shooting and looting frenzy of the CPP/NPA,” ani Bacalzo.

Si Pakiwag ay nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Davao Regional Hospital sa Tagum City sanhi ng tama ng bala at shrapnel wounds.

Magugunitang noong gabi ng Marso 19 bandang alas-10:15 ng gabi ay sinalakay nga mga NPA na nagpangap na mga sundalo sakay ng carjacked vans ang  City Hall, Police Station at iba pang  government facilities sa downtown Panabo City.

Matapos ang may 30-minutong palitan ng putok at ng maramdamang parating na ang responde ay tumakas ang mga NPA.

Nakuha sa dalawang inabandonang van ang 14 bloodstained backpacks, IED components, grenades, ammunition at cellphones.

Kaugnay nito nagpalabas ng memorandum si PNP Director for Operations, Police Director Leocadio Santiago Jr. sa lahat ng Police Regional Offices na nag-aatas na maging alerto sa bantang pananalakay ng NPA kaugnay na rin sa kanilang founding anniversary .

Ayon naman kay  PNP Spokesman, P/Chief Supt Agrimero A Cruz, Jr. base sa historical data ng CPP-NPA ay kilala ang rebeldeng grupo sa paglulunsad ng mga pag-atake sa mga itinuturing na “soft targets” gaya nga mga isolated at less fortified police and military posts, government installations at infrastructure, at maging mga vital facilities para patingkarin ang kanilang selebrasyon kaugnay sa founding anniversary ng  CPP tuwing Disymebre 6 at  NPA anniversary tuwing Marso 29. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply