PNRI: Radiation sa Pinas wag pangambahan

IPINAHAYAG ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na hindi dapat pangambahan ng mamamayan ang kaunting level ng radiation na nanggaling sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear power plant sa Japan.

Ayon sa PNRI, ang natuklasang radioactive sa bansa noong Lunes, Marso  28 ay walang dalang panganib sa tao.

Sinabi ni Tina Cerbolis, tagapagsalita ng PNRI, napakababang antas lang ng radioactive isotopes ang natagpuan sa bansa na galing sa naturang planta sa Japan.

Aniya, nabantayan ng PNRI ang antas ng radiation nito sa Quezon City main office na nasa 93-115 nanoSieverts per hour (nSy/h), na ibig sabihin ay “normal” lang.

“Extremely high levels of radiation (10 million times normal) appeared to be a reporting error and had been retracted by Tokyo Electric Power Company (TEPCO). Nevertheless, high levels of radiation remain inside the nuclear power plant but pose danger only to the emergency workers,” pahayag ng PNRI.

Nabatid na kaya nakarating sa bansa ang radioactive materials mula sa Japan ay dahil sa pagbabago sa direksyon ng hangin. Amor Virata

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply