Police asset patay, kapatid sugatan sa Sparu attack

PATAY ang isang importante ng mga pulis habang sugatan naman ang kapatid nito nang salakayin sila ng dalawang armadong kalalakihan na umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) hit squad sa lalawigan ng Cotabato, ayon sa ulat ng militar nitong Biyernes, Marso 25.

Ayon kay Army Col. Prudencio Astom, hepe ng public affairs office ng Army 6th Infantry Division, naganap ang pananalakay dakong 3:30 ng hapon sa bisinidad ng Barangay Amabel, Magpet, Cotabato.

Kinilala ni Asto ang nasawi an si Armando Gamboa, 40, na nagtamo ng tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang kanyang kapatid na si Federico Gamboa, 44. Ang dalawa ay kapwa residente ng Barangay Bantac.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alias Toto, 18, at Danny. May isa pang suspek na hindi pa nakikilala.

Ang tatlo ay hinihinalang mga kasapi ng Special Partisan Unit (Sparu) ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA  sa pamumuno ni  Cornelio Bangkas ng  Guerilla Front  53, Southern Mindanao Region Command.

Matapos ang pamamaril ay nagsigawan pa ang mga suspek na sila ang mga kasapi ng NPA bago tumakas sa direksyong patungong Barangay Amabel ng nasabing munisipalidad .

Samantala, sumiklab naman ang labanan ng militar at mga lawless group sa lalawigan ng Cotabato.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo, subalit isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa mga rebelde batay sa pahayag ng mga sibilyan sa lugar.

Ayon kay  Asto, dakong 8:30 kagabi habang nasa kasagsagan ng pagpapatrolya ang mga tauhan ng 40th Infantry Battalion Phil. Army sa Sitio Boundary, Brgy. Salama, Banisilan, North Cotabato nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde.

Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok hanggang dumating ang reinforcement ng militar, kaya’t umatras ang mga kasapi ng armadong grupo.

Kaagad namang pinag-utos ni 40th IB commander Col. Roy Galido sa kanyang mga tauhan na paigtingin ang seguridad sa naturang bayan.  Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply