Police station kinubkob ng NPA: 2 pulis patay, 3 sugatan

PATAY ang dalawang pulis, habang sugatan ang tatlong iba pa nang salakayin ng malaking pangkat ng New Peoples Army (NPA) ang Panabo City Police station sa Davao del Norte, sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz, dakong 10:15 ng gabi, lulan ng dalawang van nang salakayin ng hindi nadeterminang bilang ng mga rebelde na pinamumunuan ni Leoncio Pitao, alyas Commander Parago at Lucio Bustamante alyas Commander Bungot ng 1st Pulang Bagani Command ng  New People’s Army ang Panabo City  Police Station.

Bagamat agrabiyado ay lumaban sina Demaala at mga tauhan nito na tumagal ng may 30 minuto  kaya hindi sila tuluyang napasok ng mga kalaban pero namatay naman sina Police Officer 3 Narciso Pakiwag at police auxilliary Raymundo Miñoza.

Agad namang itinakbo sa pagamutan ang mga sugatang sina P/SrInsp Jay  Demaala, chief of police ng Panabo;  Police Officer 1 Arcusar Vallescas at ang sibilyang si Larry Comodiong.

Sinabi pa ni Cruz na nang maramdaman ng mga NPA na parating na ang responde mula sa Davao Del Norte Provincial Police Office sa pangunguna ni P/Sr. Supt. Edgardo Wycoco at Philippine Army 1003rd Brigade ay mabilis na umataras ang mga ito bitbit ang sugatang mga kasamahan.

Naniniwala si Cruz na marami din ang nalagas sa kanilang kalaban ayon sa impormasyong nakalap sa ilang residente na nadaanan ng mga umaatras na rebelde.

Ayon kay  Southern Mindanao Police Director Pedro Tango, isang puting  Toyota Hi-Ace (SBH-738) ang inabandona ng mga kalaban  para pasukin ang isang himpilan ng pulsiya na nasa loob ng mataong siyudad. Verlin Ruiz /Anthony Vargas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply