Polio-stricken sand artist Ultimate Talentado 2011

ISANG polio-stricken ang itinanghal na Ultimate Talentado 2011 sa katatapos na  Talentadong Pinoy Battle of Champions  noong Sabado at Linggo (Marso 12 at 13) na ginanap  sa Ynares Center, Antipolo City na napanood ng live sa TV5.

Mula sa Laguna, si Joseph the Artist (Joseph Erwin Valerio) ay isang sand artist na sumali sa Talentadong Pinoy para may pambili ng bigas.

Naging biktima ng Bagyong Ondoy ang pamilya nito na naging daan para makatuklasan niya ang kanyang naiibang kakayan sa pagguhit sa pamamagitan ng buhangin.

Halos lahat sa Ynares Center kasama ang mga talent scout ay naging emotional sa ginawa ni Joseph. Tungkol sa isang ama, nagkaroon ng pamilya pero namatay sa giyera ang tema ng kanyang performance.

Noong Sabado, Marso 12, napanood natin ang ang bakbakan ng walong magagaling na Hall of Famers na kinabibilangan ng Fire Attraction. Yes, sa opening pa lang nagliyab na ang entablado ng Ynares Center sa performance nito. Sinundan ito ni Beatbox Gor (Raeny Yvann Santiago)- ipinakita nito ang kanyang husay sa paglikha ng tunog at musika sa pamamagitan ng pagbuga.

Sabi nga ni Direk Audie Gemora kay Joseph The Artist, hindi lang siya isang artist kundi isang mahusay na story teller.

Ang breath-taking performance ni Sfazhiva (Ana Marie Garbo) sa pole dancing. Sexy and daring stunts  performance ang pambato nito.

Sinundan ng RR Friends (Renee Alexis Aguilar at Randel Ross Robles).

Tapos ang New Born Divas ang bumira sa kanilang sing and sexy dance performance.

Ang mahuhusay na bagets sa kantahan na someday magiging theater artists, ang The Believers (Fatima Grace Valenzona at Francheska Macalino) at  ang wild card finalist mula sa Antipolo City, ang Belinda Adora’s Stepkids. Para sa amin, ito ang mahigpit na kalaban ni Joseph the Artist.

Walang tulak-kabigin ang mga talent scout sa Battle of Champions na kinabibilangan nina Direk Audie, Kitchie Benedicto, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez (sa dalawang gabing performances – nagpatalbugan din ang mag-ina ng kanilang kasuotan at  mga kumikislapang alahas), Tuesday Vargas, Richard Gomez, Congresswomen Lucy Torres-Gomez, Lani Misalucha, Alice Dixson at Joey de Leon.Hirap sila sa pagdya-judge.

Si Joseph the Artist ang nag-uwi ng grand prize na P1 million cash, bagong kotse (Chevy Cruze), 4-year scholarship (mula sa ICI-Immaculate Conception International) at ang pagkakataong maging isa sa Philippine representatives sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.

*****

Ciara Sotto panalo sa Celebrity Edition

SA Celebrity Edition, si Ciara Sotto kasama ang Far East Acrobats (Talentado Pinoy Hall of Famer last year) naman ang nanalo sa Celebrity Edition ng Talentadong Pinoy ng P100,000 sa kanyang death-defying pole dancing.

Hahanga ka sa kanyang talento, bukod sa pag-pole dancing kumakanta pa ito, huh! Bongga talaga!  Nakalaban nito sina Valeen Montenegro kasama ang Tribal Dancers, Regine Tolentino kasama si Makata Tawanan at Rosanna Roces kasama si Leah Patricio.

*****

Juday hindi kasama bilang talent scout; TV commercial napapanood na

SA unang gabi hinahanap namin si Judy Ann Santos-Agoncillo bilang isa sa talent scouts. Pero wala kaming Juday na nakita.

Nasabi kasi noon ni Ryan sa isang panayam namin sa kanya na kumpirmadong magiging talent scout angkanyang wife na si Juday. Ito bale sana ang kanyang first TV appearance mula siyang manganak.

*****

‘Talentadong Pinoy’ International Edition sa Abril na

SA
Finals Night, happy si Ryan na  may  bagong TV commercial si Juday tungkol sa isang powdered milk kasama ang kanilang daughter na si Yohan.

Pahabol pa ni Ryan, sa darating na Abril, mayru’n ng “Talentadong Pinoy” International Edition.

*****

April Boy Regino sikat pa rin

SA Celebrity Edition, isa sa special guest na nagbigay-kulay sa Finals Night ay ang Jukebox King na si April Boy Regino. Mainit itong tinanggap ng mga manonood sa kanyang walang kamatayang kantang “Umiiyak Ang Puso” at “’Di Ko Kayang Tanggapin” with matching hagis pa rin ng personalized sombrero.

*****

Single ni JC sa Viva Records handa na


AALIS
muli ng bansa (March 16) si Idol, dahil dumating ang noticed for their interview sa US of America.

After two weeks balik-‘Pinas muli dahil nakapag-meeting na sila (April Boy at Madelyn Regino) para sa promo ng solo single ni JC Regino under  Viva Records, entitled “Ang Buhay Ko’y Para Sa ‘Yo.” Joe Cezar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply