Popcorn vendor tinadtad ng saksak patay

PATAY ang isang popcorn vendor matapos tadtarin ng saksak ng hindi pa nakilalang mga salarin habang ang una ay naglalako ng kanyang paninda sa Brgy. Tonsuya, Malabon City.

Ang biktima na idineklarang patay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) sanhi ng mga saksak sa ibat ibang parte ng katawan ay kinilalang si Joey Trembrevilla, 31,  ng Blk 15, Phase 2, Area 3, Brgy. Longos, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni P03 Edsel Dela Paz, ng Station Investigation Division ng Malabon police, alas 11:30 gabi kahapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Judge Oreta St., Tonsuya Malabon City.

Naglalako ng kanyang paninda ang biktima sa C Perez St., nang lapitan ng isang grupo ng kalalakihan.

Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang pinagsasaksak ng mga salarin ang biktima bago nagsitakas.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng mga salarin.  Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply