Poppy seeds na papasok sa Pinas haharangin

IPINAG-UTOS ni Customs Commissioner Angelito Alvarez nitong Biyernes, Marso 11, ang pagsamsam sa lahat ng papasok sa bansa ng imported poppy seeds at mga produktong naglalaman nito at pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga sangkot na importer.

Nauna rito ay ibinulgar ni Sen. Vicente Sotto III sa isang privilege speech sa Senado na tumataas ang demand sa opium poppy seeds dahil ginagamit ito bilang sangkap sa pagkain, partikular ang tinapay.

Bilang tugon, nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga establisimento na gumagamit ng mga bawal na kemikal at gamot tulad ng opium seeds.

Ito ay sinundan ng utos na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) na bumabawi sa mga Certificate of Product Registration sa lahat ng produktong may halong poppy seeds.

Pinatitigil din ang mga kumpanya na pag-aangkat ng poppy seeds sa hinaharap at inutusan ang mga ito na isuko ang anumang natitirang supply sa PDEA.

Iniulat din ni Alvarez na sa pakikipag-ugnayan sa PDEA, FDA at Dangerous Drugs Board, nakakumpiska ang Bureau of Customs ng isang container van  sa Port of Manila na naglalaman ng mga sangkap sa pagkain kung saan nakahalo ang may 75 bag ng B. Orange at Poppy Seed Muffin Mix na naka-consign sa Bakel Phillippines Inc.

Ayon pa kay Alvarez, ang pagpasok sa bansa ng kontrabando galing sa Malaysia ay natiktikan ng mga operatiba ng Customs sa pamumuno ni Deputy Commissioner for Enforcement Horacio P. Suansing at Enforcement and Security Services Director Nestorio B.Gualberto. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply