Posisyon ni Ronald Singson, papalitan ng pinsan

PAPALITAN umano ng pinsan ang dating posisyon ni Congressman Ronald Singson kung ang masusunod lamang ay ang kagustuhan ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.

Ang nakakabatang Singson ay naghain ng resignation sa kamara nitong nakaraang Martes matapos itong mahatulan ng 18 buwang pagkakabilanggo ng Hong Kong court.

“I am resigning, Your Honor, not because I am succumbing to the pressure of the noisy among few honourable colleagues; rather, my resignation is a fulfilment of my promise to my father who had all the right to make the first and loudest protest because it was his name and honor that was mercilessly dragged into the tempest of my own undoing,” ayon sa laman ng sulat ni Singson.

Ayon naman kay House Speaker Sonny Belmonte, hihilingin niya sa COMELEC na kaagad matakda ang special election sa distritong nabakante o kaya’y magtatalaga na lamang ang kongreso ng tagapamahala sa naturang lugar.

Sa isang interview sinabi ni Gov. Singson na mas gugustuhin niyang si Rep. Eric Singson, Jr. na ang mamahala sa distrito ng kanyang pinsan. “Pwede si Owen…pero pag-uusapan pa.” Owen ang palayaw ni Rep. Eric Singon, Jr. na kung saan siya ang representate ng ikalawang distrito ng Ilocos Sur. Kung magkakaroon man daw ng special election ay gusto niyang konsultahin muna ang kanyang mga mayors at mga lider kung sino sa ang kanilang papatakbuhin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply