Prayer vigil inihanda ng CBCP para sa 3 bibitaying Pinoy sa China

ISANG prayer vigil ang inihanda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa tatlong Pinoy na nakatakdang bitayin sa China bukas, Marso 30 na nahatulan ng drug trafficking doon.

Ang nasabing prayer vigil ay magsisimula sa isang misa na susundan ng pagdarasal ng rosaryo mamayang 6:00 ng gabi sa Nuestra Señora de Guia Parish Shrine sa Ermita, Maynila.

Ito ay pangungunahan nina CBCP Episcopal Commission for the Pastoral Care for Migrants Executive Secretary Fr. Edwin Coros at Fr. Artemio Fabros, Director ng Manila Archdiocese Migrants Ministry.

Ang mga bibitayin ay sina Sally Ordinario-Villanueva at Ramon Credo sa Xiamen at si Elizabeth Batain sa  Shenzhen sa paraang lethal injection. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply