Prepaid metering ipatutupad ng Meralco

INTERESADO ang Manila Electric Company (Meralco) na magpatupad ng “prepaid metering system” ng pagsuplay at paniningil ng kuryente sa mga kustomer simula sa Hunyo.

Nabatid kay Roland Arrogante, director for sales ng Meralco na posibleng umpisahan na nila ang pagpapatupad ng “prepaid metering system” sa kuryente sa mga kostumer na gustong sumubok ng ganitong uri ng paggamit ng kuryente.

Inihalimbawa ni Arrogante ang P100 halaga ng prepaid na kuryenteng binili ay maaring magamit sa bahay ng dalawa hanggang tatlong araw o higit pa,  depende sa gagawin paggamit at pagtitipid ng konsyumer.

Isang espesyal na kuntador ang ikakabit sa bahay ng isang kostumer na gustong pumasok sa nasabing iskema.

Maiiwasan sa ganitong sistema ang pagnanakaw ng kuryente na inilalagay sa system loss at ipinapasa sa lahat ng konsyumer.

Ang nasabing sistema ay  ginagamit na sa Europe at South Africa. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply