ABC president sa North Cotabato inutas

PATAY ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa Alamada, North Cotabato matapos pagsasaksakin ito sa kanyang tahanan ng mga armadong lalaki.

Nakilala ang biktima na si Allan Joseph Balios, barangay chairman ng Kitacubong ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang tahanan ng biktima Lunes ng ala-una ng madaling araw, Marso 28 at pinagsasaksak ito.

Agad namang nagsitakas ang mga salarin pagkatapos ang pananaksak.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang misis ni Balios na si Marivic, na kasalukuyang ginagamot sa ospital sa bayan ng Midsayap.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang ngunit marami ang naniniwalang may bahid pulitika ang naganap na insidente.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang awtoridad sa ikadarakip ng mga salarin. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply