Preso inutas ng janitor sa Davao

PATAY sa loob ng selda ang isang bilango matapos barilin ng janitor ng Bansalan Police station, Davao City Huwebes ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pammaril dakong 6:55 sa loob mismo ng Bansalan PNP detention.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, base sa report na isinumite ni P/Sr Inspector Deozar Almaza, hepe ng Bansalan PNP, kinilala ang biktima na si Restituto Malait.

Nasa loob umano ng selda si  Malait nang barilin ng suspek na si Gibsam Fernandez gamit ang kalibre 45 pistola.

Target na ng manhunt operation janitor na agad tumakas matapos ang krimen.

Inaalam na ng awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang.  Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply