Preso nakapuga sa Camp Caringal

“CLEANLINESS IS NEXT TO GODLINESS”

Ito ang sinunod at ginawang dahilan ng isang preso para makatakas sa piitan matapos magpanggap na maliligo sa Camp Caringal sa Quezon City, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang suspek na nakatakas na si Nelson Barrientos, may kasong illegal possession of carnapped vehicle.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya nagpaalam ang presong si Barrientos na maliligo ngunit hindi na bumalik makalipas ang ilang minuto sa kanyang selda sa Camp Caringal.

Ayon sa bantay na pulis ng suspek, nagpaalam umano ito na maliligo sa banyo sa labas ng kanyang selda pero hindi na bumalik.

Nagpakalat na ang awtoridad ng QCPD Anti Carnapping Unit ng mga litrato ni Barrientos sa buong Kamaynilaan para sa ikadarakip ng suspek. Robert Anthony Marquez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply