Presyo ng asukal bumaba – DTI

SA KABILA ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng paglobo ng halaga ng mga produktong petrolyo, inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules ang pagbaba ng halaga ng asukal kada sako.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, nagsimula nang dumami ang suplay ng asukal sa mga refinery matapos ang anihan sa mga tubuhan na siyang pinagkukuhanan nito

Bukod sa asukal, sinabi ni Maglaya na tumatag din ang presyo ng manok, lalo na ang mga ibinebenta sa mga supermarket.

Hinimok niya ang mga consumer na bumili ng karne ng manok sa mga supermarket sa halip na sa mga palengke dahil umaabot lamang ang presyo nito mula sa P105 hanggang P127 kada kilo, na mas mababa kumpara sa P130 hanggang P135 kada kilo sa mga palengke.

Ipinaliwanag ng kalihim ang dahilan kung bakit mas mura sa mga supermarket kaysa sa palengke. Aniya, bultuhan ang pagbili ng supermarket sa mga supplier sa mas mababang presyo kumpara sa maliit lamang na puhunan ng mga nagbebenta sa palengke.

Tiniyak rin ni Maglaya na patuloy ang pagmo-monitor sa presyo ng mga pangunahing bilihin, pati na ang mga de-lata upang hindi makapagsamantala ang mga negosyante. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply