Presyo ng langis pinakokompyut sa DOE

HINILING ng isang senador sa Department of Energy (DOE) na lumikha ng isang panuntunan hinggil sa kompyutasyon ng presyo ng produktong petrolyo upang maipakita sa publiko ang tunay na halaga ng gasolina sa harap nang sunuyd-sunod na pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, dapat kumilos kaagad ang DOE sa pagkokompyut ng tunay na halaga ng langis sa halip na maging “tagapagsalita” ng mga dambuhalang kompanya ng na siyang nagpapahirap sa pasanin ng taumbayan.

Isinagawa ni Escudero ang rekomendasyon matapos muling mabuwisit sa DOE sa pag-aanunyo na muling magtataas ng presyo ngayong linggo ang mga kompanya ng langis dahil patuloy na gumugulo ang sitwasyon sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.

Sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan nang yanigin ng 8.9 na lindol ang Japan at walisin ng tsunami ang ilang bayan dito, nanindigan pa rin si DOE Undersecretary Jay Layug na magkakaroon ng pagtaas ng presyo nito sa bansa dahil sa hindi pa raw humuhupa ang gulo sa Libya, Yemen at iba pang oil-producing country sa Gitnang Silangan.

“The DOE should come up with fair and transparent guidelines for oil pricing similar to a guiding price issued by DTI rather than appearing to serve and being accused of acting as spokesperson for oil companies, ” giit ni Escudero.

Nitong nagdaang linggo ay nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng P 1.50 kada litro sa presyo ng diesel habang ang kerosene ay nagtaas ng P 1.24 kada litro at P 1.00 naman kada litro sa gasoline.

Hindi lang ang mga kumpanya ng langis ang nakikinabang sa patuloy na pagtaas ng langis kundi pati na rin ang gobyerno dahil sa lumalaking koleksyon ng 12 percent Value Added Tax (VAT). Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply