Presyo ng langis sa world market pumalo sa $115/bariles

TULAD nang inaasahan, tumaas na ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kasunod ng kaguluhang pulitikal sa ilang bansa sa Gitnang Silangan.

Pumalo na sa $115 kada bariles ang presyo ng langis sa world market nitong Miyerkules, Marso 2.

Ang krudo ng Brent North Sea sa London ay humataw sa $115.42 kada bariles o higit  na  mataas ng $3.62 kumpara sa closing level nito ng Martes, Marso 1.

Tumaas din ng  $2.66 per barrel ang New York’s light sweet crude matapos magsara ang presyuhan nito sa  $99.63 per barrel.

Ilan sa mga bansa sa Gitnang Silangan ang nagsusuplay ng langis sa iba’t ibang bansa sa Asya gaya ng Pilipinas.

Matatandaan na nangako noon ang Saudi Arabia na tutulungan ang world market ngunit nangangamba pa rin ang investors hinggil sa problema sa oil production.

Ang Saudi Arabia ang pinakamalaking prodyuser ng produktong petrolyo sa boung mundo.

Sa nagaganap ng kaguluhan sa Libya, wala pang katiyakan kung kailan manunumbalik ang normal na produksyon ng langis, kahit pa sinasabing kontrolado na ng opposition forces ang oil fields dito.

Umiigting na rin ang kaguluhan sa pagitan ng Iranian security at ang anti-government protesters. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply