Presyo ng oil products muling tumaas

NAGTAAS muli ang presyo ng oil products ng ilang kumpanya ng langis sa bansa, Biyernes, Marso 4.

Nagsimula ito kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Chevron at Seaoil ang P1 dagdag sa kada litro ng kanilang  diesel, gasolina at kerosene.

Ang Pilipinas Shell at Petron ay nagpatupad din ng kaparehong pagtaas sa mga nabanggit na oil products kaninang 6:00 ng umaga.

Ngayong linggong ito ay dalawang beses na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagtaas ng presyo nit sa world market. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply