Presyo ng tinapay lumobo

IPATUTUPAD na ang pagtaas ng presyo ng tinapay ngayong araw, Marso 7.

Ito’y matapos maghain ng abiso ang Philippine Baking Industry Group sa Department of Trade and Industry.

Nakatakdang magiging P2.00 ang dagdag para sa loaf bread habang P1.00 naman sa kada 10 piraso ng pandesal.

Ayon kay Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) Executive Director Ric Pinca, lumobo ang presyo ng harina sa P80 kada sako ang harina na umaabot na ngayon sa P900 kung kaya’t apektado rin ang presyo ng tinapay.

Matatandaang sinabi ni Pinca na habang gumagalaw ang presyuhan ng trigo sa pandaigdigang pamilihan ay apektado rin ang presyo ng tinapay. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply