Prince William bibisitahin ang NZ, Australia

BIBISITA si Prince William ng Britanya sa mga nasalantang lugar sa New Zealand at Australia.

Darating si New Zealand ang prinsipe sa Marso 17, 2011 para bisitahin ang
Christchurch kung saan marami ang nasawi sa paglindol noong Pebrero 21, 2011.

Ang naturang pagbisita ay anim na linggo na lang bago ang kanyang nakatakdang pagpapakasal sa kanyang kasintahanng si Kate Middleton na hindi makakasama sa naturang biyahe.

“I think all New Zealanders will appreciate the gesture from the Queen to ask Prince William to come down. It’s a very important step that he’s taking because it shows you the international feeling for Christchurch and Cantabrians.”, pahayag ni NZ Prime Minister John Key.

Nakatakda rin niyang bisitahin ang bayan ng Greymouth upang makiramay sa mga nasawing mga minero nang sumabog ang kanilang pinagmiminahan nito nakaraan Nobyembre.

Pagkatapos sa NZ ay tutungo siya sa Queensland, Australia na tinamaan ng malakas na cyclone at ang binahang bayan ng Victoria. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply