Priscilla Meirelles insecure sa dancer na si Jeck Conwi

KAKAKASAL PA LANG, nanggagalaiti na at pikon na pikon ang Brazilian wife ni John na si Priscilla Meirelles nang mag-react ito sa kanyang Twitter account pagkatapos mabasa ang sagutan ng kaibigan ng asawang si John Estrada at ang dancer na si Jeck Conwi. Ayon sa isang friend ni John miss daw niya ang friend niyang si John na sinang-ayunan naman ni Jeck ng “me, too!”

Mukhang tinablan ng insecurity si Priscilla kaya gigi na gigil ito sa dancer na si Jeck.

Isiniwalat ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi noong Linggo ang naturang sagutan sa social network at talagang galit na galit di Priscilla na biglang nilait agad si Jeck.

Palibhasa’y hindi sanay sa showbiz, pinayuhan ito ni Ruffa na magpakahinahon dahil baka na-mis-interpret lang ni Priscilla ang mensahe na pagka-miss sa kanyang asawa, na sinang-ayunan naman nina Cristy at DJ Mo. Meron kasing pagka-miss bilang kaibigan, bilang ka-trabaho at bilang lover ng isang tao.

Pero talagang iba ang galit ni Priscilla at nagsalita pa ito kay Jeck na kung anu-anong masasakit na salita at pang-iinsulto at sinabihan pa nito si Jeck na hindi naman sila magkaibigan ni John.

Bago natapos ang programa, muling nakatanggap si Ruffa ng update na rumesbak si Jeck kay Priscilla ng kontra-insulto at may dala pang paghahamon with matching photos proving that she and John are friends. Nag-aamoy gulo ang dalawang ito, kaya abangan!

JOEY MARQUEZ, ABSENT SA WEDDING NI JOHN; ITINANGGI ANG PAGKA-PLAYBOY, FRIENDLY LANG
(kina Alma. Brenda, Kris at auditor ng bangko, friendly din)

Napag-uusapan na rin naman ang mag-asawang John at Priscilla, isang obvious na wala sa kanilang wedding ay ang isa sa best friend nito na si Joey Marquez.

Inisnab nga ba ito ni Joey or nagbisi-bisihan lang?

Ayon kay Joey, hindi daw naman niyan inisnab ang kasal na kaibigan, at hindi naman siya nag-bisi-bisihan kundi tunay na busy dahil sunod-sunod ang shooting nila na nataon sa wedding ni John at Priscilla.

Nasa shooting daw sila ng Happier Together na ipapalabas din sa TV5 kasama si Long Mejia.

Sa bintang sa kanya na isang playboy na alam ng lahat na babaero talaga siya, hindi naman diretsang inamin ni Joey kundi “friendly” lang daw siya.

Totoong naging very “friendly” siya kina Brenda del Rio, Alma Moreno, Kris Aquino at ngayon ay sa auditor ng isang bangko na may dalawa na siyang anak. Super-friendly!

SUSAN ROCES, TULOY SA PAGIGING PALABAN

Tuloy sa pagiging palaban si Susan Roces bilang si Helena See sa Babaeng Hampaslupa. Walang dudang kakaiba ang role na ginagampanan dito.

Ito ang dahilan kung bakit napapayag ang Queen of Philippine movies sa kauna-unahang dramaseryeng ito ng TV5. Umiinit at nagiging maaksiyon ang mga eksena sa Babaeng Hampaslupa na hindi dapat palagpasin. Naghahanda na si Helena See ang isang laban na kaniyang haharapin. Sino ang magbabalik sa buhay niya? Sino ang mamamaalam? Lunes hanggang Biyernes ng gabi ang Babaeng Hampaslupa pagkatapos ng Willing Willie sa TV5.

JENNIELYN MARQUEZ, EARLY FAVORITE SA BB. PILIPINAS SEARCH

NAGING early favorite sa nakaraang Bb. Pilipinas press presentation na ginanap sa poolside ng Sofitel Philippine Plaza ang candidate number 5 na si Jennielyn Marquez Natividad, 22 years old, may taas na 5’7” at vital statistics na 34-22-35.

Maraming naggagandahang kandidata ang ipinakilala sa press at lumitaw sa kanila ang natatanging angking ganda ni Jennylyn.

Si Jennielyn ay sanay na sa timpalak pang-kagandahan dahil siya ay naging title holder ng Miss Hiyas ng Quezon City 2009 at naging second runnerup sa Mutya ng Pilipinas 2009.

Hindi lamang sa panglabas na kagandahan  ang kanyang katangian dahil si Jennielyn ay nagtamo na rin ng karangalan sa kanyang paaralan —- naging valedictorian sa High School sa Manila Central University, consistent dean’s lister sa Lyceum of the Philippines University kung saan siya ay nag-graduate na cum laude noong 2009.

Ipinanganak noong March 18, 1988, ang iba pa niyang talento an gang pag-awit, pagsayaw, pag-arte at gusto niyang makatulad ng paborito niyang news anchor  na sina Karen Davila at Kara David na pumailanlang sa larangan ng telebisyon bilang mga broadcaster sa news and public affairs, o ang maging isang tanyag na TV host, na nababagay naman sa kanyang hilig —ang magsulat at mag-direct ng documentary films, magbasa ng nobela, magsulat ng essay.

Ang kanyang paboritong hobbies ay Muay Thai, boxing, basketball at badminton.

Ultimate Dream niya ang manalo at i-represent ang Pilipinas sa  international pageant. Naniniwala siya na binigyan siya ng Diyos ng desire na sumali sa beauty pageant na ito at ipakita sa mundo na ang mga Filipina ay magaganda higit pa sa katagang ito. Abangan si Jennielyn Marquez. Evelyn Diao

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply