Problemado sa nobya nagpatiwakal

PATAY na nang makita ang 20-anyos na lalaki habang nakabitin sa kisame ng kanyang silid matapos magbigti dahil sa problema sa kanyang nobya sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Aris Jordan Estrada, tubong Pangasinan, 34, ng Construction St., SSS Housing Brgy., North Fairview.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago nagpatiwakal ang biktima ay bukambibig nito ang problema sa kanyang kasintahan na nais na umanong makipaghiwalay sa kanya.

Nauna na rin umanong sinabi ng biktima na magpapakamatay siya kapag nangyari ang kinatatakutan.

Kagabi nga ay naabutan ni Dara Carissa Catari ang kasintahan na wala nang buhay nang kanyang puntahan sa inuupahan nito matapos ang isang linggong hindi pag-uusap.

Ani Carrisa, pinuntahan niya ang kanyang nobyo para bawiin ang pakikipaghiwalay sa kanya pero hindi niya na naabutang buhay ang biktima. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply