Problemado sa pag-ibig, kagawad nagpatiwakal

PAGBIBIGTI ang nakitang solusyon ng isang barangay kagawad para tuldukan ang problema sa buhay pag-ibig sa San Andres, Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Rommel Grafil, barangay kagawad ng Brgy. 743 Zone 80, ng 1119 San Andres St., Malate.

Sa isinumiteng ulat ni Det. Henry Ignacio kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District–Homicide Section, dakong 7:20 ng gabi, Marso 18 nang matuklasan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kisame sa loob ng kanyang silid.

Nakita sa tabi ng bangkay ang suicide note na nagsasaad na “Kuya Jun, patay na ako, hindi na ako  pabigat kila mommy,  hingi mo na lang ako ng sori. Mahal ko kayong lahat lalo na ang mga anak ko, wag nyong ipakita sa ibang tao ang bangkay ko, kung ibuburol ninyo ako nakatakip lang pakiusap ko yan. Salamat sa lahat.”

Bago natuklasan ang nakabiting bangkay ng biktima, huling nakitang buhay si Grafil ng 3:00  ng hapon kahapon na tahimik at waring may iniisip ayon sa ama nito na si Dominador.

Hinala ng pamilya ng biktima na posibleng ang problema nito sa pag-ibig ang isa sa dahilan ng pagpapakamatay ng kagawad makaraang mabatid na nagkaroon sila ng matinding pag-aaway ng nobya.

Ang biktima ay may tatlong anak sa unang asawa. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply