Pros, cons sa RH bill nagkapikunan

NAGKAPIKUNAN na sa plenaryo hindi pa man natatalakay ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Pinatigil ni Iloilo Rep. Janet Garin ang pagsasalita sa plenaryo ni Deputy Speaker Raul Daza dahil hindi umano katanggap-tanggap ang suot nito.

“The Deputy Speaker is not in proper attire. So he should not be allowed to speak in the podium.  The proper attire is either barong or suit,” sigaw ni Garin sa plenary, na naghudyat kay Deputy Speaker Erin Tañada na pansamantalang suspindehin ang sesyon.

Sinabi pa ni Garin na mismong si Speaker na ang nakikiusap kay Daza na “huwag na nating patagalin ito at ituloy na ang deliberasyon.”

Nauna rito ay nag-mosyon si Daza na magkaroon ng nominal voting kung dapat o hindi dapat i-extend ang  “personal and collective speech” ni Manila Rep. Amado Bagatsing ukol sa isang akusasyon laban sa kanya na walang kinalaman sa RH bill.

Sina Daza at Bagatsing ay kabilang sa mga kongresistang tutol sa RH bill.

Agad naman itong tinutulan ni Majority Leader Boyet Gonzales sa pagsasabing maaari naman ang extension sa pagsasalita sa plenaryo kung walang tutol.

Humantong pa ito sa paghikayat ni Gonzales na isara ang mga pintuan ng plenaryo upang walang lumabas na kongresista kasunod ng roll call na ang korum ay 203. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply