Prosecutors sa Garcia deal pinakakasuhan ng senador

NANGANGANIB si Ombudsman Merceditas Gutierez sa Senado dahil mismong ang Senate Blue Ribbon Commitee ang nagrerekomenda na ipa-impeach si Gutierez dahil sa betrayal of public trust o kaya ay mag-resign na ito sa puwesto.

Inihayag ni Sen. Teofisto “TG” Guingona, chairman ng Blue Ribbon Committee, na ang rekomendasyon ay nakapaloob sa draft report ng komite.

Pinakakasuhan din ni Guingona ang special prosecutors, sa pangunguna ni special prosecutor Wendell Sulit, na humawak sa kaso ni dating military comptroller Carlos Garcia at nag-ayos ng plea bargaining agreement sa pagitan ng dating heneral at Office of the Ombudsman.

Ayon sa senador, ang pagpapabaya ng mga prosecutor sa kaso ni Garcia ay pagtataksil sa tiwala ng puliko.

Malinaw aniyang hindi ginawa ng prosecutors ang trabaho nilang palakasin ang kaso ni Garcia sa pamamagitan ng paghahanap ng ebidensya sa loob ng limang taong hawak nila ang kaso.

“Ang kaso ay pinabayaan, pinahina at pinagulo para makalusot si Garcia,” sabi ni Guingona.
Ayon sa senador, walang bisa ang pinasok na plea bargaining agreement ng Ombudsman kay Garcia dahil wala itong pahintulot ng taumbayan na siyang biktima sa kasong ito.

Ayon kay Guingona, kailangan ding may pahintulot ang Department of Justice at Office of the Solicitor General sa mga plea bargaining agreement. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply