Proseso ng impeachment gustong pabilisin ni Sen. Kiko

HINILING ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa bubuuing impeachment court na dapat pagbotohan ang bawat article of impeachment na isinampa kay Ombudsman Merceditas Gutierrez upang mapabilis ang proseso nito.

Ito ang nakapaloob sa Senate Resolution No. 441 na inihain ni Pangilinan kung saan kapag naparubahan sa plenaryo  ay agad na tatapusin ang proseso ng impeachment at pagbobotohan na kung guilty o acquitted si Gutierrez.

“In the event that the prosecutors from the House of Representatives prove the case against Ombudsman Gutierrez in only one of the six articles, she will be formally removed from public office,” diin ni Pangilinan.

Dagdag pa ng senador, “ Senators (will) immediately vote on whether or not the impeachment is sustained when the presentation of evidence and arguments by the parties on one article of impeachment is completed; and if the impeachment shall not be sustained by the votes of two-thirds of all the members, the presentation of evidence for the next article of impeachment shall commence accordingly.”

Dahil dito, hindi na kaillangan pang pagbotohan ng impeachment court ang anim na articles of impeachment na isinumite kung sa isang article nito ay napatunaayang nagkasala na si Gutierrez.

Ani Pangilinan, ang kanyang ipinanunukala ay naglalayong maging mas episyente ang paggamit ng oras at resources ng mga senador sa itinakdang impeachment trial. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply