Proteksiyon ng kababaihan kontra sa cervical cancer

ITO ang handog ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa kababaihan ng Taguig kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month. Ayon kay Cayetano, deadly ang sakit na cervical cancer subalit ang magandang balita ay may paraan para ito maiwasan.

“Sa pamamagitan po ng bakuna at screening ay mapo-protektahan ang mga kababaihan sa Human Papilloma Virus(HPV).

Ang HPV po ang pinanggagalingan ng cervical cancer na itinuturing na 12th most common at 5th deadliest cancer na kumakapit sa mga babae,”paliwanag ni Mayor Cayetano.

Aktibo si Mayor Cayetano sa kampanya kontra cervical cancer dahil batid nitong seryoso ang problema.

Base sa  datos ng GSK, umaabot sa 12 Pilipina ang namamatay sa sakit na cervical cancer taun-taon.

Para maisakatuparan ng Taguig na kilala bilang woman-friendly city ang layunin nito,  nakipag-ugnayan ang lungsod  sa Glaxo Smith Kline (GSK) na pinakamalaking multinational pharmaceutical at healthcare sa Pilipinas upang magkaloob ng libreng bakuna para sa lahat ng babaing kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

Sasagutin ng GSK ang unang sesyon ng bakuna na nagkakahalaga ng P1,500.00. Kinakailangan pa ng dalawang sesyon para makumpleto ang bakuna.

Pinangunahan ni Mayor Cayetano ang kababaihan ng Taguig sa pagbabakuna sa paglulunsad ng program nitong Marso 1, 2011 na ginanap sa city hall uditorium.

Samantala, inatasan na rin ni Mayor Cayetano ang City Health Department na magsagawa ng mga screening upang maagapan ang pagkakasakit ng cervical cancer.

“Bukas po ang lahat ng health center ng lungsod 24 oras at doon ay puwede pong sumailalim sa pap smear ang mga Taguiguena. Dito malalaman kung ang isang babae ay may cervical cancer.

Bukod sa cervical cancer prevention ay iba’t ibang aktibidad din ang inihanay ng Pamahalaang Lungsod kaalinsabay ng  pagdiriwang ng International Women’s month. Ito ay ang sabay-sabay na medical mission sa 28 barangay tuwing Martes at Huwebes sa buong buwan ng Marso.  Johnny Arasga/photo by: Sam Labradores

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply