Protesta sa Yemen tumitindi

LUMULOBO na ang bilang ng tao ng nagproprotesta sa Yemen upang hilingin ang pagbaba ng kanilang Presidente na si Ali Abdullah Saleh.

Ayon sa presidente ng naturang bansa, wala siyang balak bumaba sa pwesto ngayong taon. Sumang-ayon na siyang bumaba pagkatapos ng kanyang termino sa 2013.

“The President accepts the opposition’s plan, including the article about a smooth transition of power, but it needs to be implemented at the end of the president’s term in 2013”, ayon sa spokesman ng presidente na si Tarek Al-Shami.

Ayon naman sa mga political analysts, ang pagdami ng mga demonstrador ay bunsod ng mga matagumpay na pagpapaba sa mga leader ng Egypt at Tunisia.

Mahihirapan na umano si Saleh na manatili pa sa pwesto dahil sa sobrang dami na ang humihingi sa kanyang pagbaba.

Ang naturang protesta ay suportado ng religious leaders at ng sampung miyembro ng parliament na tumiwalag na kay Saleh. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply