Protesta vs oil price hike ipinanawagan ng Piston

NANAWAGAN ang militanteng  transport group na Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa transport sector na kalampagin ang gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino III sa pamamagitan ng malawakang kilos-protesta ngayong buwang kasalukuyan.

Sinabi ni George San Mateo, secretary-general ng Piston, na hindi nila susuportahan ang hirit na panibagong fare hike dahil mas dapat gawin aniya ng gobyerno ay magpatupad ng price control at pigilan ang mga susunod pang pagtataas sa presyo ng petrolyo.

Idinagdag ni San Mateo na dapat ding isulong ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pag-alis ng 12-porsiyentong value-added tax sa langis.

Aniya, kung aalisin ng gobyerno ang nasabing buwis ay maaaring mai-rollback ng P5.50 kada litro ang presyo ng diesel at P6.50 sa gasolina.

Hinikayat din ng Piston ang Senado at Kamara de Representantes na magsagawa ng isang congressional investigation at audit sa libro ng mga kumpanya ng langis upang malaman kung ito ay nag-o-overpricing.

Ayon kay San Mateo, walang lohika kung magtaas man ng pamasahe dahil lalamunin lang ito ng presyo ng taas ng petrolyo.

Binuhay din ng mga senador ang panukala na bulatlatin ang mga libro de kwenta ng mga kumpanya ng langis upang malaman kung nagsasabi nga ng totoo ang mga ito.  Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply