Protesters sa Ivory Coast pinagbabaril, 4 patay

PATAY ang apat na katao makaraang pagbabarilin ang mga protesters sa Anti-Gbagbo sa lungod ng Abidjan sa Ivory Coast.

Ang naturang protesta ay bunsod ng pagkakapaslang sa pitong kababaihang sumama sa isang demonstrasyon isang linggo na ang nakararaan.

Nabatid na tatlo ang lalaki habang isang babae ang nasawi. Binaril umano ng isang army officer na supporter ni President Laurent Gbagbo ang mga biktima.

Si Gbagbo ay hindi pa bumababa sa pwesto simula nang matapos ang eleksyon noong nakaraang taon. Ang kanyang nakatunggaling si Alassane Ouattara ay siya nang kinikilang nanalo sa nakaraang halalan ng international community.

Ayon sa Estados Unidos, nagpahayag si Ginoong Gbagbo na ang kanyang gobyerno na ang mamamahala sa lahat ng kalakal parte sa cocoa ng bansa. Ang Ivory Coast ay siyang pinakamaling supplier ng cocoa sa buong mundo.

“It is another desperate act in his campaign to cling to power,” pagsasalaysay ni US state department spokesman PJ Crowley sa mga mamamahayag. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply