Psychic: Japan posibleng mawala sa mapa

WALA umanong magaganap na malakas na paglindol sa bansa ngayong taon gaya nang nangyari sa bansang Japan at New Zealand ayon sa kilalang Psychic.

Ayon kay Danny Atienza, tinaguriang Nostradamus ng Asia, wala siyang nakikita o kaya’y nararandaman na sinyales na magkakaroon ng 7.2 na lindol sa Pilipinas ngayon taon.

Sa isang forum sa Sitio Fernandina, Greenhills, San Juan ay sinabi ni Atienza na walang dapat ipangamba ang publiko hinggil sa napapabalitang magkakaroon ng malakas na lindol sa halip ay pinapayuhan  nito ang mga mamamayan na ipagpatuloy lamang ang pagdarasal at paghingi ng bendisyon sa Panginoon para malayo ang bansa sa ano mang malalakas na sakuna.

Gayunman ay sinabi ni Atienza na ang naganap na 8.9 na lindol sa bansang Japan ay masusundan pa.

Aniya, maari umanong lumubog ang buong Japan at posibleng mawala sa mapa ng mundo at lilitaw ang “lost continent” ng Atlantis.

Una dito ay inihayag ni Philvolcs Deputy Director Bartolome Bautista sa ginawang pagdinig ng Senado kamakalawa na posibleng dumanas ang bansa ng intensity 7.2 na lindol. Jhie Convocar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply