Psychological support sa pamilya Maguindanao massacre victims, hinarang ng defense lawyer

INALMAHAN ng abogado ng depensa sa Maguindanao massacre case ang mosyon ng prosekusyon na humihiling sa korte na maglabas ng kautusan para sa mga ahensiya ng pamahalaan upang paglaanan ng psychological support ang mga pamilya ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

Bago ito, naghain ng 16-pahinang mosyon sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221 si private prosecutor Harry Roque na hinihiling na atasan ng hukuman ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maalalayan ang mga pamilya ng mga biktima.

Isinumite ni Roque ang mosyon matapos magpuyos sa galit ang biyuda ng isa sa mga biktima sa labas ng courtroom habang isinasagawa ang paglilitis kaugnay ng nasabing kaso.

Sa tatlong pahinang kasagutan ng depensa, sa pangunguna ng Real, Brotarlo & Real Law firm, iginiit ng mga ito na habang humihingi ng suporta ang prosekusyon para sa mga biktima, maling mga tao naman ang inuusig nila.

Sinabi pa ng mga abogado ng depensa na walang awtoridad ang korte na mag-isyu ng kautusan sa mga nabanggit na quasi-judicial agencies sapagkat hindi naman umano partido ang mga ito sa kaso.

“This is what is required by the simple rudiments of due process,” dagdag pa ng depensa.

Anila pa, hindi maaaring mag-isyu ng kautusan ang korte para sa mga ahensiyang ito habang hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataon na mapakinggan.

May mga prioridad at kaukulang mga layon umano ang nabanggit na mga ahensiya upang maipatupad ng maayos ang kanilang mandato sa pangangalaga sa kapakanan ng nakararaming Pilipino. Robert C. Ticzon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply