Pugante sa Tanay balik-selda

BALIK-SELDA na ang isa sa tatlong tumakas na preso sa Tanay Police Detention Cell makaraang muling madakip ng awtoridad kaninang madaling-araw.

Bandang 2:00 ng madaling-araw kanina nang madakip sa isinagawang follow up operation ng pinagsanib na puwersa ng Tanay Pnp at Intelligence operative ng Rizal Provincial Police Office sa bayan ng Siniloan, Laguna si Roger Orillo.

Si Orillo ay may kasong rape with homicide, habang patuloy namang pinaghahanap ang mga kasamahan nito na sina Ricky Buenaventura at Gilbert Rivera. Jun Ferrer

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply