Pulis basag ang ilong sa senglot na bebot

BASAG ang ilong ng isang pulis nang suntukin ng babaeng lasing na kanyang sinita sa pagmamaneho ng walang helmet Miyerkules ng gabi sa Pasay City.

Patong-patong na kasong paglabag sa trapiko ang kinakaharap ng suspek na si Jennifer Mesina, 32, ng 2386 Mejandro St., M. Reyes, Bangkal, Makati City.

Sa salaysay ng biktima na si PO1 Laurence Nicolas, nakatalaga sa Pasay City Police Mobile Unit, ang insidente ay naganap dakong 11:30 kagabi habang siya at kasamang pulis ay nagsasagawa ng checkpoint sa Arnaiz Avenue at Tramo St., nabanggit na lungsod.

Dumaan umano sa kanila ang suspek na minamaneho ang gray na motorsiklo (5384 NO) na walang suot na helmet kaya kanilang sinita at hiningan ng lisensya para tiketan.

Habang tinitiketan umano ang suspek ay nagpupuyos ito sa galit saka pinagmumura at pinagbantaan na ipatatanggal sa pagkapulis ang biktima saka sinuntok sa ilong para dumugo iyon at mabasag.

Hindi naman magawang gumanti ng pulis dahil bukod aniya sa babae ang suspek ay lango ito sa alak.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply