Pulis Crame inireklamo ng 13-anyos dalagita

MULING nabahiran ang pilit ibinabangong imahe ng Philippine National Police (PNP) makaraang ireklamo ng 13-anyos na dalagita ang isang pulis crame Linggo ng umaga, Marso 27 sa MPD-General Assignment Section. MPD-GAS).

Personal na dumulog sa nasabing tanggapan ang biktima na itinago sa pangalang “Marisa”, 13, Grade 6 student ng Pio del Pilar Elementary School at residente ng J. Marzan St., Sampaloc, Maynila kasama ng kanyang magulang  ni Chairman Benjamin Nuguit ng Brgy.424 Zone 43,Vicente Cruz, nasabing lugar.

Ito ay upang ireklamo ang abusadong pulis crame na si SPO2 Arnel Catalan, nakatalaga sa CIDG Camp Crame,Quezon City at residente ng 154 J.marzan St., kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO1 John Cayetano, dakong 4:00 ng hapon ng Biyernes, Marso 26 nang pagmumurahin ni Catalan ang biktima habang naglalaro kasama ng mga kaibigan sa isang parking lot sa lugar.

Nauna rito, paparada umano si Catalan sa parking lot na pinaglalaruan ng biktima at mga kaibigan nang bigla na lamang pinagmumura ng pulis ang biktima sa kanilang bahay at pinakitaan pa ng kanyang baril na nakaipit sa kaliwang kili-kili.

Dahil sa takot ng biktima ay nagsumbong ito sa kanyang magulang na agad namang humingi ng tulong sa kanilang barangay chairman na umalalay naman sa kanila sa presinto para magsampa ng reklamo.

Ayon kay Chairman Nuguit, marami na umanong inabuso ang nabanggit na pulis katunayan aniya ay maging ang kanyang kagawad na si Wilfredo Joseph ay nakatikim din ng pagmumura at pananakot ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply