Pulis na gagamit ng karnap na sasakyan, sisibakin

BINALAAN ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang lahat ng kapulisan na sisibakin sakaling mapatunayang gumagamit ng mga narekober na karnap na sasakyan.

Ito’y makaraang makatanggap si Robredo ng mga impormasyon na ilang pulis umano ang gumagamit ng mga nakaw na sasakyan na nabawi sa mga operasyon.

“Using recovered vehicles is both unethical and illegal, and we will definitely not tolerate cops who are doing this unacceptable practice in the police organization,” Ayon pa kay Robredo.

Inatasan ng kalihim si Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Raul Bacalzo na iposte sa kanilang mga PNP website ang imbentaryo ng mga nabawing carnap na sasakyan at bigyan ng kopya ang Department of Interior and Local Government (DILG) para maisalin sa kanilang website.

Ayon pa kay Robredo, gusto niyang bukas sa publiko ang imbentaryo ng mga nabawing karnap na mga sasakyan gaya ng mga kotse, vans at motorsiklo upang maipabatid sa publiko, partikular sa mga may-ari sa kanilang pagbawi sa kustodiya ng PNP.

Kasabay nito, inatasan din ni Robredo ang PNP na paigtingin pa ang pagsasagawa ng checkpoints sa mga kalsada patungo sa mga daungan ng barko papasok at palabas at ipatupad aniya ang “No Plate, No Travel” policy.

Nauna rito, isang probe team ang binuo ng DILG at Department of Justice (DOJ) para sa gagawing imbestigasyon sa umano’y partisipasyon ng ilang law enforcers at mga opisyal ng gobyerno sa carjacking. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply