Pumatay kay John Apacible nakapag-piyansa na

NAKALABAS na ng kulungan ang pumatay sa movie at television character actor na si John Apacible.

Ito ay matapos magbayad ang suspect na si Armando Rustia ng piyansa sa halagang P40,000 para sa kasong homicide na sinampa laban dito hinggil sa  pagpatay sa sariling pamangkin noong nakaraang linggo sa Cainta, Rizal.

Mismong ang abogado ni Rustia ang siyang nagtungo kay Judge Kevin Vibero ng Antipolo City Regional Trial Court Branch 71 para ipakita ang kopya ng “order of bail” ng kanyang kliyente.

Halos tatlong araw matapos ikasa ang krimen, maaalalang sumuko si Rustia sa pulisya matapos magtago pero kinalaunan ay humingi rin ito ng tawad sa kanyang kapatid na nanay ni Apacible at sinabing hindi niya gusto ang nangyari.

Napilitan na lamang aniyang barilin ang sariling pamangkin nang sumunod pa ito sa loob ng kanyang bahay para siya saktan ng pisikal ni Apacible.

Matatandaang, napatay ni Rustia si Apacible nang magtalo ang magtiyuhin sa isang inuman na humantong sa pamamaril sa nasabing aktor.

Sinasabing lasing na lasing ang naturang aktor nang maganap ang insidente.

Si Apacible ay kilalang kontra-bida sa mga nilabasan nitong pelikula at etelserye sa telebisyon at ang huli nitong palabas ay ang GMA teleserye na Minsan lang Kita Iibigin. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply