QRTs palalakasin para sa posibleng mass lay-off ng Japanese companies

BILANG paghahanda sa posibleng tanggalan sa trabaho sa mga Japanese companies na naka-base sa Pilinas sanhi ng malakas na lindol at tsunami na tumama sa bansang Japan,  palalakasin ng Malakanyang ang kahandaan ng Quick Response Teams (QRTs) ng mga ahensya ng pamahalaan sa bawat rehiyon ng bansa.

Nanguna sa mga tumugon sa naturang direktiba ang Department of Labor and Employment (Dole) sa pangunguna ni Secretary Rosalinda Baldoz.

Inatasan ni Baldoz ang kanilang mga regional at field offices na agarang magbigay ng aksyon sa mga komunidad na mangangailangan ng kanilang tulong sa panahon ng krisis na dulot ng lindol at tsunami.

Kabilang din sa ilulunsad na kampanya ng Dole ang pagpapadala ng QTR sa mga Japanese companies na naka-base sa bansa na posibleng mangailangan ng tulong sanhi ng mga kaganapan tulad ng radiation leak.

“I have asked our regional directors to identify these companies and to coordinate with their human resource units to find out the extent of the effects of the crisis if any, and what contingency plans do they have so we can tailor-fit our assistance,” paliwanag ni Baldoz.

Bahagi rin ng QTRs ng Dole ang pagmo-monitor sa mga dayuhang kompanya na posibleng magsara o magbawas ng mga manggagawa sanhi ng nararanasang krisis sa Japan.

Base sa Department Order No. 7 series of 2011, itinatag nito ang QTRs sa lahat ng Dole regional offices sa pakikipag-tulungan na rin sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), National Conciliation and Mediation Board (NCMB), National Labor Relations Commission (NLRC) at mga kinatawan ng mga negosyante sa rehiyon.

“The QRT undertakes its activities in coordination with workers’ association, employers groups, non-government organizations, and other government agencies,” paliwanag pa ni Baldoz. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply