Quiapo ‘notorious market’ —- US report

MALAKING insulto umano ang lumabas na US report kung saan binasagang ‘notorious market’ ang Quiapo bunsod ng mga nagkalat na pekeng  bilihin at piniratang DVDs.

Ayon kina Manila 3rd District Councilor Atty. Joel Chua  at  Re Fugoso, insulto iyon sa kakayahan ng government officials at mga konsehal na nakakasakop sa lugar.

Sinabi nina Chua at Fugoso na hindi  tamang akusahan  ng  pagiging talamak  na pamilihan ng mga peke at piracy  ang Quiapo dahil  hindi lamang ang lugar ng  Quiapo ang sinisira ng ulat kundi ang buong Maynila.

Nabatid kay Chua na nakalulungkot na ang isa mga landmark sa Maynila ay mabansagan ng ganito samantalang kumikilos naman ang pamahalaan upang  matigil ang mga iligal.

Aniya, dapat din nilang malaman kung ano ang pinagbatayan ng US report upang magpalabas ng report na nakasisira sa imahe ng lungsod.

Giit naman ni  Fugoso, regular ang kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim  sa Manila Police District na gawin ang lahat ng posibleng paraan upang matukoy ang pagawaan ng mga pekeng kalakal at mga nagma-manufacture ng DVDs at CDs.

Kasabay nito,  sinabi  Manila Vice Mayor  Isko Moreno na kailangan din ang  tulong ng  Optical Media Board (OMB) na  may direktang   responsibilidad  upang masawata  ang  piracy at Department of Trade and Industry (DTI) at mga pulis upang matigil na ang bentahan ng mga pekeng gamit tulad ng bag,  damit at maging ang ‘cytotec’ o abortion pills.

Kadalasan umanong nagiging  ningas kogon at pakitang tao lamang ang  operasyon laban sa piracy at sa bentahan ng mga pekeng bag, damit at sapatos  kung kaya patuloy pa rin ang  ilang vendor sa pagtitinda. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply