Radiation level sa nuclear plant sa Japan bumababa

BUMABA na ang radiation level sa Fukushima Daiichi nuclear plant matapos ang puspusang pagtatrabaho ng Japan upang mapigilan ang meltdown nito ng mga nuclear technicians.

Ayon sa government station na NHK, bunsod ng walang tigil na pag-spray ng tubig sa mga planta upang pigilan ang pagtaas ng temperature nito, bumaba ang radiation level ng naturang planta.

Nabatid kahapon na nag-spray sila ng tubig sa pamamagitan ng helicopters at mga water cannons na naka-deploy na sa planta.

Kasabay nito, inanunsyo ng International Atomic Energy Agency ng United Nations na naikabit na ang power line sa reactor 2 ng planta.

Hinihintay na lang umano na matapos ang pag-spray ng tubig sa mga reactors upang ma-switch on na ang kuryente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply