Radiation level sa nuke plant peligro sa mga tao

MAKAKAAPEKTO na sa kalusugan ng tao ang kasalukuyang antas ng radiation sa paligid ng Fukushima No. 1 nuclear power plant, inihayag ni Japanese Chief Cabinet Secretary Yukio Edano nitong Martes, Marso 15.

Sinabi ni Edano sa isang interview sa telebisyon na na-detect dakong 10:22 ng umaga (oras sa Japan) ang 400 millisieverts ng radiation kada oras sa palibot ng gusali ng No. 3 reactor.

Inihayag din niya na maaaring napinsala ang containment vessel sa gusali ng No.2 reactor.

Dinagdag pa ni Edano na  ang No.1, 2 at 3 reactors ay naglalabas na ng mapanganib na radioactive material.

Samantala, ipinaliwanag din ni Edano na ang 400 millisieverts o 400,000 microsieverts ay apat na beses na mas mataas sa acceptable level ng radiation para sa tao.

Ang ganitong antas ay maaaring magdulot sa tao ng pagkawala ng white blood cells. Ang white blood cells ang nagdedepensa sa katawan laban sa infectious disease. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply