Radiation ng Japanese products susuriin

NAKAHANDA na ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa posibleng pagdagsa ng mga produktong ipasusuri sa

radiation level matapos sumabog ang nuclear reactor sa bansang Japan.

Ayon kay Raymond Sucgang, science research specialist ng PNRI, hindi lang mga produktong Japan ang kanilang

binabantayan ngayon kundi maging ang mga nanggagaling sa iba pang bansa na posibleng maapektuhan ng pagkalat ng radiation.

Pero paglilinaw ni Sucgang, wala pang inuutos ang Department of Health (DoH) na suriin ang radiation level ng mga

produktong galling Japan.

Sa ngayon aniya ay karaniwang sample testing ang ginagawa ng PNRI sa mga produktong imported.

Sakali aniyang dumagsa ang mga produktong susuriin, kanilang paiiralin ang “first come, first serve basis,” lalo na at iisa

lamang ang kanilang gamma metric analysis, ang aparatong pang sukat sa radiation level.

Nauna rito, sinabi ng PNRI na nagsanib pwersa na ang ahensiya at ang Department of AgrIculture (DA) sa pagpapaigting ng

monitoring sa mga produktong ipinapasok sa bansa galing ng Japan.

Sa rekord, tinatayang umaabot sa $105 million ang halaga ng mga productong ipinapasok ng Japan sa Pilipinas.

Ayon sa programa, tatlong tauhan ng DA at PNRI ang nakatalaga sa mga airport at seaport ng bansa para mag-

monitor sa mga sinasabing mga contaminated products na posibleng ipasok sa bansa.Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply