Radiation sa Fukushima nuclear plant, nagli-leak pa rin

KAHIT naibalik na ang kuryente makaraang mapagana ang cooling system sa Fukushima Daiichi nuclear plant sa Japan, iniulat na patuloy pa rin ang pag-leak ng radiation mula sa naturang planta.

Nabatid na kagabi ay naibalik na ang ilaw sa reactor 3 kung saan lahat ng reactors ay nakabitan na ng power cable.

Nakatakda ring subukan ngayong araw, Marso 23, na paganahin ang cooling system ng pangatlong reactor.

Kaugnay nito, inihayag ng United Nations International Atomic Energy Agency na patuloy sa pag-leak ang radiation mula sa planta.

Nabatid sa IAEA na hindi matukoy kung saan nanggagaling ang radiation.

Ayon kay IAEA Senior Official James Lyon, hindi nila makumpirma kung intact pa nga ba ang mga reactors o may lamat at dahilan ng pag-leak ng radiation.

“We continue to see radiation coming from the site… and the question is where exactly is that coming from,” ayon kay Lyon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply