Radiation sa Japan umabot na sa California

KOMPIRMADO nang nakaabot sa Sacramento, California ang radiation mula sa sumabog na nuclear plant ng Japan na sinira ng tsunami.

Ayon sa mga opisyal ng Comperehensive Test Ban Treaty Organization, kanilang na-detect ang pagpositibo ng radiation sa California.

Bagama’t hindi pa umano available kung gaano ang volume ng radiation na nakaabot Amerika hindi pa naman umano ito nakakapinsala.

Samantala sa Japan, inihayag ng Nuclear Industrial and Safety Agency na hindi pa kailangang palawakin ang evacuation zone na 20 kilometro mula sa Fukushima Daiichi nuclear plant kahit itinaas na ito sa alert level 5.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply