Radiation sa Pinas, malabo

MALIIT ang posibilidad na umabot ang radiation sa Pilipinas galing sa nuclear plant ng Japan sa loob ng tatlong araw, Huwebes, Marso 17.

Ayon kay forecaster Joel Jesusa, pinagbatayan ang naturang ulat sa indikasyon ng hangin malapit sa Japan na kumikilos papuntang Silangan sa dakong Hawaii .

“Nagpe-persist ang wind pattern na papunta sa Pacific Ocean eastward to Hawaii,” ayon kay Jesusa sa isang panayam sa dzBB.

“For now, our numerical models show the wind patterns will persist in the next days, although our models are for three days,” ayon pa rito.

Samantala, ayon sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), hindi kinakailangang i-quarantine ang mga nanggaling sa Japan.
Nabatid na nagtutulungan ngayon ang PAGASA at PNRI sa pag-monitor ng posibleng pagpasok ng radiation sa bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply