Radioactive particles nasa Pinas na

INIHAYAG ng Philippine Nuclear Research Institute na umabot na sa Pilipinas ang radioactive particles mula sa nasirang Fukushima Daiichi nuclear plant sa Japan.

Ayon sa PNRI , hindi naman dapat tayo mangamba dahil t hindi naman daw mapanganib sa tao ang radioactive particles na nakita sa bansa.

Batay sa isinagawang radiation check ng PNRI, nasa 93 hanggang 115 nanosieverts per hour ang radiation sa bansa kung saan nananatili namang normal.

Siniguro ng PNRI na patuloy ang gagawin nilang monitoring sa sitwasyon sa power plant sa Japan. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply