Rain or Shine laglag sa No.1 Position

NAGKAROON ng pagbabago sa tuktok ng 10-team standing sa PBA Commissioner’s Cup sa pagkatalo na kauna-unahan sa Rain or Shine Elastopainters nang pabagsakin ng Talk N Text sa Araneta Coliseum.

Nagtumpok si Paul Harris ng 32-puntos na dinagdagan nina Ali Peek ng 23, Kelly Williams ng 16 at Ranidel de Ocampo ng 10 para tuluyang irehistro ang mga 99-78 panalo laban sa Elastopainters sa pagsampa ng Tropang Texter sa pangalawang puwesto kapantay ng Alaska Aces na kapwa-tangan ang 4-1 win-loss slate kasunod sa nangungunang Smart-Gilas Nationals na hawak ang malinis na 4 na panalo.

Sumampa rin sa No. 2 post ang Alaska Aces kasunod ng pagpusoy sa B-Meg Derby Ace sa unang laro, 97-91 na naghatid sa Llamados sa kanilang pangatlong talo.

Nanguna si James Yap na kumana ng 22-puntos subalit ipinahinga siya sa krusyal na minuto ng last quarter dulot ng pulikat. Nang muli siyang ipasok ay may 1:07 na lang na nalalabi sa laro kung saan nakaabante na ang Aces sa pagpupursigi nina LD Williams na nakatipon ng 30 points at Joe Devance at LA Tenorio na nagsanib sa 35 points. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply