Ratsadahin: Saklang patay sa QC, Caloocan

KAILAN man daw ay hindi nabura ang pagkahumaling sa mga patay nitong si LUCY SANTOS, ang isa sa mga illegal gambling financiers sa Metro Manila na ngayo’y may ranggo na bilang reyna.

Para kay Lucy, ang mga patay kasi ang nagdadala ng milyun-milyong salapi sa tapat ng pintuan ng kanyang bahay. Alam ito ng kanyang kanang-kamay na si Marlyn.

Si Lucy ang sikat ngayon pagdating sa sugal na sakla –may patay man o wala (puesto pijo).

Siya lang marahil ang babaeng gambling financier na nagawang makontrol ang dalawang malalaking lungsod sa Metro Manila – ang Quezon City ni Mayor Bistek Bautista at Caloocan City naman ni Mayor Recom Echiverri.

Ewan ko lang kung ano ang ipinakain ni Lucy sa dalawang mayor at nagawa niyang mapaamo ang mga ito!

Matanda man o bata ay nahuhumaling sa pasugal na sakla ni Lucy Santos sa mga puwesto nito sa Quezon City at Caloocan City.

Teka, ano kaya ang relasyon nitong si Lucy sa isa pang sikat na illegal gambling financier na si Tony “Bolok” Santos na ngayo’y humahataw ang jueteng operations sa Quezon City at Maynila?

Hindi kaya isang bangka lang silang dalawa?

Ano naman kaya ang masasabi ng mga operating units ng Department of Interior and Local Government ni Secretary Jesse Robredo tungkol sa iligal na operasyon ni Lucy Santos sa Quezon City at Caloocan?

Kung saan-saan kayong sulok sa Metro Manila nag-iikot para manghuli ng iligal na sugal samantalang nasa tapat lang pala ng inyong mga ilong ang mga dapat tugisin
ninyo!

Gusto n’yong malinis ang imahe n’yo, eh, puro naman pala TAE ang loob ng bakuran n’yo!

Para maging kapani-paniwala kayo sa mga pinag-gagagawa ninyo, hulihin at kasuhan n’yo itong si Lucy Santos.

Isama n’yo na rin itong sina Ver Bicol, Lito Motor at ang kapitalista ng jueteng sa QC na si Tony “Bolok” Santos!

Kung hindi n’yo kayang gawin, ibig sabihin ay nakalista na rin kayo sa bluebook ng mga animal na ito!

Para naman sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ay wala na akong masasabi pa.

Dahil mismong mga gambling lords na aking binanggit ang nagkakalat ng kuwento na sobrang suwapang sa intelihensiya ang pamunuan ng pulisyang ito!

Eh, ang opisina ni Mayor Bistek, ganun din kaya?

* * * * * * * *

Anumang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o
kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran!
Boyet Munar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply